si mogs talaga oh~
Mogs: puuutttang ina naman oh~
----------------------------------------
Plesioth: kwaaaaaaaaaaaaaaash
Mogs: ay taenang controller to oh~
![]() | You are viewing Log in Create a LiveJournal Account Learn more | Explore LJ: Life Entertainment Music Culture News & Politics Technology |
EMO kung tawagin ito; short for emotional hardcore. Punu nang HINAGPIS at MADAMDAMIN!!! Kaya naman panay ang kanilang EMOTE sa kanilang porma at pananamit.
Ito ang "in" na porma nang mga kabataan ngayon; MAKAPAL NA EYELINER, SALAMING MAKAPAL ANG FRAME, GRAPHIC T-SHIRT na tinernohan na HAPIT NA PANTALON at SNEAKERS. Pero hindi sila mga pankista; ang tawag sa kanila ay EMO!!!
Ang kanilang porma NAKAUGAT sa MADAMDAMING MUSIKA kaya't kinahiligan nila ang EMO ROCK!
Ang EMO ay mula sa salitang EMOTIONAL. Isa itong uri ng rock music na sinimulan ng mga hardcore punk bands sa Amerika noong dekada 80'.
Binansagan EMOTIONAL ang kanilang musika dahil MADRAMA ANG MGA LYRICS bagamat malumanay ang pagtugtog.
May HABOT, may PUNGOT, kumbaga ROCK NA MALAMBOT! Ngunit ngayon kapag sinabing EMO, tumutukoy na rin ito sa mga taong TAHIMIK at SENTI o SENTIMENTAL. Ang problema nga lang, ang iba tila ba NASOSOBRAHAN!!!
Meron akong kaibigan, isang EMO! Nung minsan siyang NADALA' ng kanyang musika, NILASLAS NIYA ANG KANYANG PULSO!!! Prublemado daw kasi siya nung mga panahon na iyon sa kanyang pamilya at eskuwela. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Aminado naman siya na ang kanyang DEPRESYON ay kadalasang nauuwi sa kanyang PAGWAWALA at PANANAKIT NG SARILI. Nung pumunta ako sa kanyang tinutuluyan, ipinakita niya sa akin ang mga sinira niyang mga bagay na kung saan meron pang bakas ng kanyang DUGO!!!
Sa Amerika, madalas inuugnay ang EMO MUSIC sa PANANAKIT SA SARILI at pati narin sa PAGPAPAKAMATAY!!!! Bunsod kasi nang mga MADAMDAMING MGA KANTANG EMO ay NADEDEPRESS ANG MGA NAKAKARINIG NITO.
Sa Pilipinas naman, nariyan ang bandang TYPECAST; ang bandang nagpasimula ng EMO MUSIC sa Pilipinas, wala silang balak maging TAMBULIN NI KAMATAYAN ang kanilang mga kanta. Nais lang daw nilang MADAMDAMING MAIPAHAYAG ang kanilang mga SALOOBIN.
MALILINAW NA MGA SALITA at MADAMDAMING PAGKANTA. Bagamat may MALAPALAKANG PAGSIGAW, SUWABE parin at may halo pang LAMBING na KUMAKABOG SA DAMDAMIN.
Mabilis na nagustuhan at tinangkilikan ang kanilang musika dahil marami ang NADADALA' nito.
Malaki rin ang IMPLUWENSIYA ang EMO MUSIC sa buhay ng isa ko pang kaibigan na call center agent. Sa piling nang kanyang kaibigan at mga katrabaho masayahin siya ngunit sa oras na MAG ISA NA LANG SIYA, ang masayang maskara niya ay NAPAPALITAN NANG MUKHA NG KALUNGKUTAN. ANG KAPILING NIYA SA KANYANG PAG-IISA AY EMO MUSIC.
Saksi sa kanyang PAGHIHINGPIS ang dingding sa kanyang kuwarto. Anuman ang kayang maiisip habang nakikinig nang EMO MUSIC, isinusulat niya ito sa kanyang mga dingding.
Ayon sa mga experto, normal ang ganitong mga kaso sa mga kabataan. Paalala din nila na sa tuwing dumadaan sila sa ganitong CRISIS, sa panahon na akala mo na WALA NANG PAGASA, kailangan mo nang KARAMAY...
ang EMO MUSIC!!!
| S | M | T | W | T | F | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 |
| 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 |
| 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 |
| 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 |
| 29 | 30 |